Wednesday, June 24, 2015

KUROT NG ALAALA

Ang sabi ko'y lipas na
ang mga kiliting dulot ng kabataan
kahit minsan, may mumunting kurot
na nadarama sa isang sulok ng puso,
kapag sumagi kang bahagya
sa kamalayan at bigla'y
manumbalik ang nakabaong alaala,
tulad ng pagtampisaw natin
sa ulan, habang magkasukob
sa gigiwanggiwang na payong.
Ang lamig ng ulan at dapyo ng hangin
ay nagdulot ng sensasyong
dala ng mga pagdaiti
nang ating mga basang balikat,
at ang bawat patak ng butil
ay tila perlas na nag-uunahan
sa aking paningin
gaya ng namumuong luha
tuwing dumadalaw
ang mapanglaw na nakalipas,
mga alaalang
di na muling maibabalik

Wines 2013

Photo credits to the owner

Ang sabi ko'y lipas na
ang mga kiliting dulot ng kabataan
kahit minsan, may mumunting kurot
na nadarama sa isang sulok ng puso,
kapag sumagi kang bahagya
sa kamalayan at bigla'y
manumbalik ang nakabaong alaala,
tulad ng pagtampisaw natin
sa ulan, habang magkasukob
sa gigiwanggiwang na payong.
Ang lamig ng ulan at dapyo ng hangin
ay nagdulot ng sensasyong
dala ng mga pagdaiti
nang ating mga basang balikat,
at ang bawat patak ng butil
ay tila perlas na nag-uunahan
sa aking paningin
gaya ng namumuong luha
tuwing dumadalaw
ang mapanglaw na nakalipas,
mga alaalang
di na muling maibabalik
Wines 2013
Photo credits to the owner